|
Article in other languages:
|
Ang balagat ay ang dalawang buto sa magkabilang gilid ng dalawang balikat na tinatawag ding klabikula, o butong kulyar.[1][2] Isang mahabang buto ang isang balagat na bahagi ng balikat, na dumurugtong sa braso patungo sa pangunahing bahagi ng katawan. Ito ang suporta para sa butong iskapula o tunay na paypay (minsang natatawag ding "paypay" ang balagat)[1] at tumutulong sa malayang pagbitin ng braso. Dahil dito, napapahintulutan ang brasong makagawa ng mga maraming galaw o kilos. Binubuo ang balagat ng mala-esponghang butong tinatawag na kanselus na buto, at natatakpan ng matigas na kabibe ng buto. Mga sanggunian
Questions for article: nyckelben - clavicula |
This article is from Wikipedia. All text is available under the terms of the GNU Free Documentation License.
IHS Europe: Infrared Heating Systems for Home and Business.